Panulat ni: Dalya
Isa ito sa mga bagay na nakakapgparupok ng mga pinaniniwalaan natin. Yung panahon na ipinagluluksa natin yung mga puso nating muling nabigo. Mga pusong nagmahal at nawalan ng minamahal.
Pagkakaiba.
Yung hiwalayang walang katulad. Yung pagkakalayo na
kahit matagal na panahon na ang lumipas ay hindi mo pa rin makalimutan yung
taong sanhi ng kalungkutan mo ngayon. Isa lang ang dahilan, kasi iba sya sa
lahat.
Yung pamimighati na kakaiba sa lahat ng naranasan
mo. Yung natatanging sakit kasi siya lang yung taong nakapagpawasak ng buong
pagkatao mo.
Pagtatapos.
Kung paanong dapat ang isang relasyon ay natuldukan
pero hindi ka nabigyan ng pagkakataon na mangyari yun. Ang tawag sa Ingles ay “unfinished business”. Yung umaasa ka pa
din na sana hindi pa natuldukan ang lahat sa inyo.
Pagusad.
Minsan sinasabi natin sa sarili natin na naka
move-on na tayo. Yung pilit nating pinaniniwala yung ating mga sarili sa isang
kasinungalingan na hindi sya kawalan sa buhay mo at hindi ka nagsisisi na
nawala sya.
Maaring ito din yung panahon na pinilit mong
makakilala ng iba sa pag-aakalang makakalimutan mo siya pero sa huli ay aaminin
mo din na hindi ka masaya dahil alam mo na hindi siya si B _ _ _ _ (pangalan ng
tunay mong pag-ibig).
Pagbabalik-tanaw.
Yung akala mong okay
ka na pero pag nakarinig ka ng awit o makakita ng larawan na nagpapa-alala sayo
sa kanya eh bumabalik lahat ng sakit. Na nanduon ka ulit sa simula kung paano
ka iniwan. Na parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Sabi nga sa isang aklat na nabasa ko – “It is hard to forget someone who gave you
so much to remember.”
Pagsisisi.
Yung hanggang ngayon iniisip mo kung anong nangyari
sa inyong dalawa. Kung bakit hindi kayo magkasama at kung bakit naglaho ang
pagibig. Ano ba ang dahilan? Oras, Panahon, Distansiya, blah, blah, blah. Lahat
na yata maiisip mo o kailangan mo talagang mag isip ng dahilan to keep your sanity.
Paghihintay.
Yung pinipilit mo na uminog ang mundo mo sa mga
bagay na maaring makapagpalimot sa iyo sa kanya. Yung hinahayaan mong maging
abala sa hobbies, work and friends
para lang hindi ka magmuni muni ng tungkol sa inyong dalawa.
Panahon.

Pag-asa.
Iyong ipinapanalangin mo na sana tulad ng love story ng paborito kong karakter na
si Carrie and Mr. Big ay muli naming
matagpuan ang isa’t-isa dahil may mga tao talagang itinadhana, at sana ako at
ikaw iyon.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.