AN OPEN LETTER TO AN EX...

Swerte mo kasi ambilis mong nakalimot. Hindi man
naging maganda ang katapusan natin, sa totoo lang – medyo mapait pa nga e pero
hindi nangangahulugan na may galit akong nararamdaman sa yo. Sa katunayan,
natutuwa ako na wala ka nang nararamdang sakit o hinagpis. Isa lang ang
pakiusap ko, alagaan mong mabuti ang sarili mo.
Sana yung susunod na iibigin mo, maintindihan nya
na hindi ka makwento – hindi ka madaldal. Di ba “man of few words” ka nga. Yun
ang pinaka deskripsyon ko sa iyo. Sana maintindihan nya na madalas gusto mo ng
tahimik, nang mag isa ka lang kasi sa ganoong paraan ka nakakapag isip. Sana
maintindihan nya na mas gusto mong malapit sa kalikasan. Yung walang ingay ng siyudad,
yung tipong nakapaa ka lang kahit na mamasa masa ang damo dahil sa hamog. Yung
mga ganung bagay ang nagpapasaya sa iyo. At sana malaman nya din na sa simula
hindi ka talaga nagtitiwala agad pero sa sandaling magmahal ka na, totoo yun.
Tapat yun. Sana malaman din nya na ang paraan para makapasok siya sa buhay mo
ay yung mahalin ka nya ng walang pag-aalinlangan, nang walang pagdududa, na
aalagan ka nya at iisipin ka nya sa bawat desisyon nya. Sabi mo nga – loving
someone new gives you an opportunity to prove who you really are and that
person to accept you wholeheartedly.
Sana maintindihan din ng bago mong mamahalin na
maraming bagay tungkol sa iyo ang hindi nya maiintindihan pero sana malaman din
nya na hindi naman lahat kailangan nyang intindihin, ang kailangan lang nya ay
ang magtiwala at tanggapin ka ng walang pag-aalinlangan. Hindi mahalaga kung
hindi nya maintindihan ang hilig mo sa Clash of Kings at Invasion. Hindi din
nya kailangang tanungin kung bakit ang paborito mong TV series ay It’s Always
Sunny in Philadelphia at kung bakit addict ka sa Game of Thrones. Hindi rin nya
kailangang maintindihan ang ginagawa mo at kung bakit mo kinakailangang
mag-aral ng permaculturing. Hindi rin nya kailangang intindihin kung ano ang
taste mo sa musika. Na ang gusto mo yung mga old school songs kasi old soul ka
naman talaga e. Sana rin maintindihan nya na hindi nya kailangang gustuhin
lahat ng gusto mo. Sapat na nandiyan lang siya sa tabi mo at nakasuporta sa
lahat ng gagawin mo.
Alam naman natin na hindi ka perpekto. Na may mga
araw na may sumpong ka, na madaling mairita. Sana habaan nya lang yung pasensya
niya. Na sana maging mapagkumbaba sya. Sa tingin ko yun ang nawala sa atin kasi
masyado tayong naging ma pride. Sana maintindihan din nya na kapag may sinabi
ka, ginagawa mo yun at sana hindi niya pagdudahan ang pagmamahal na kaya mong
ibigay. Sabihin mo sa kanya na dapat panghawakan niya yun ng buong-puso. Kasi
isa yun sa mga dahilan kung bakit talaga kita minahal.

Time heals
all wounds and someday I hope to see you again and by that time I hope I can
face the man who broke my heart so bad because I am whole again.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.