Wednesday, June 17, 2015

#MatthewsChronicles

ISANG PAGBATI SA ISANG TUNAY AT TAPAT NA KAIBIGAN SA KANYANG KAARAWAN…
#MatthewsChronicles


Dahil mahal kita at maski ayaw ko nang balikan ang dati kong size, I will still publish this photo kasi ito talaga ang nagsimula ng epic na friendship natin. Yung tipong loose pa sa iyo ang medium sized shirt at body fit pa sa akin ang XL (take note, male shirt). Nakareserve talaga ito para sa iyong kaarawan. Kumbaga, medyo close pa lang tayo dito. Di pa masyadong solid.



Hindi sapat ang isang post para isalaysay ang pagkakaibigang nabuo natin at dahil papasikat na blogger na ko (may kayabangan! Hahaha!), naisip ko… you deserve a space in my blogsite, so here you go.

Simulan natin noong payat ka pa at baboy na baboy pa ko. Ahente ka pa at TL mo pa lang ko. I never thought na magiging kaibigan kita. Yang angas mo na yan? But fate indeed has funny ways of turning things around. Sa dinami-dami ng pinagdaanan natin mula sa challenges and achievements ng team na ikaw ang POC ko, problema mo sa mga babae (highlighted yung mga, napansin mo ba?) at problema ko sa mga di masyadong lalake. Lahat na yata ng problem including spiritual, financial, emotional pati na mental isama mo na, pinagdaanan natin yan. Yung sandamakmak na tawanan, iyakan (ako madalas, ikaw wala lang), galit, tampuhan – lahat yun sinakop ng pagkakaibigan na meron tayo. Hinding hindi ko makakalimutan yung mga panahon na nagtatalo tayo sa kung ano yung talagang tamang mga proseso pagdating sa Western Union. Yung mga panahong china-challenge mo kong mag isip dahil sa napakagaling mong lohika. Ang kaso, madalas mayabang ako na kahit tama ka, ako pa din dapat ang masunod (hahaha!).

Those were the days. Syempre mas masaya nung time na nabuo na yung “The Crew” featuring the people you know who. Dumating din yung panahon na napagod ka nang maglaro sa pag-ibig at nung nakita mo na yung “The One” mo sa katauhan ni Badoria. Masaya tayo! Sobrang saya!



Ang istorya ni Bullet. Napakaraming experience to share na kasama si Bullet. Dinala nya tayo sa napakaraming lugar. Quiapo, Divisoria, Tagaytay at kung saan-saan pa. Naalala ko pa ang trip sa Manila Ocean Park together with then Ms. Breen. Dito nabuo ang ating friendship story. Lima pa tayo nun, ako nga lang walang partner lagi. Ang banat mo pa, seloso at selosa kayo kaya ayaw niyong may kahati sa kin. The feels ha!



Then there was Ice. Ang unang trip with Ice na buo tayo, natatandaan mo ba? Dito sa Ortigas, sa Metrowalk – as usual, lima pa din tayo nun. Tulad ni Bullet, andami ding memories. Recently, ito ang ginamit nyo ni Rookie na pangsundo sa akin para ihatid ako sa ospital sa isang kabanata ng buhay kong napakabigat. Si Ice din ang kasama mong lagi sa tuwing susunduin niyo ako ng madaling araw para kumain sa Kanto Freestyle.





Si Rookie Badoria. Sa dinami-dami ng babae, sa isang babae ko lang nakita na tumino ka. Na kahit papano, tunay na tumameme ka. Alam ko din ang istorya ng pagsisimula ninyo. Kung paanong yung “crush” mo ay naging syota mo, girlfriend mo. Hmmm kelan at ano na ba ng susunod? Looking forward ako dyan. I will be one of the happiest to see that milestone in your life. At kahit labag sa loob ko na gawin nyo kong ninang dahil sa bata pa ko, e sige payag na din ako basta kayong dalawa. Ang lakas niyo sa kin e. I could never say NO. Kaya wag mo na yang pakawalan ha?!



The Biggies. More than being a friend, you treated me as a sister. Sa ating dalawa, sadyang mas mature ka at aaminin ko na marami akong natutunan at natututunan pa sa iyo. More than the friendship, hinayaan mo kong makilala ang pamilya mo. Masarap isipin na nakatagpo ako ng pangalawang pamilya, sa Canedo clan. Nakakataba ng puso na pati nanay, tatay, mga kapatid pati na mga pinsan, tita at tito mo ay naging extended friends at family ko. Damay mo pa si Lolo Boy na nagbigay ng ampao at relo nitong nakaraang pasko. Ang swerte ko nga naman sa inyo! Pati sa lahat ng events at out of town e invited ako. Astig talaga!



A Brother’s Concern. Naalala ko nung nagresign ako at di ako nagta trabaho. Concern na concern ka na maubos ang kayamanan ko. Naalala ko pa ang sabi mo nung muntik akong masagasaan na di ako pwedeng mamatay hanggang di ko nata transfer sayo ang properties ko. Tae ka! Ang sweet mo! But seriously, the work I have now, thank you sa iyo. Salamat sa bilib mo sa akin. Salamat sa pag alalay sa tuwing may mabigat na suliranin akong hinaharap. Salamat sa pagpapamukha ng masasakit na katotohanan. Mga bagay na di ko nakikita pero ikaw na analyze mo na. Salamat for being one of the brainy people surrounding me. All I can say is “Thank you” for always being there. You make me feel secure and that I should not be afraid to face life’s challenges because no matter what, I have a friend and a brother to lean on in you. You also made ways to ensure na iayos ang mga bagay para sa akin. You’ve become a guide for me to resurrect burnt bridges with other people, isa pang pasasalamat duon.


Career. Ito, I may not say this often but I have to tell you that I am very proud of you for achieving what you have now. You have come a long way to prove yourself and so you did. If there is anything, I am proud of was that I have become one of your mentors. And now, with Acky you are in good hands. I can only see success in your future.


Kapadyak. At dahil sa iisa ang nakahiligan natin kamakailan lang, natutuwa akong isipin na ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan na kasama sa lahat ng kalokohan ay isa ring Kapadyak. For two special occasions, puro pangbisekleta ang regalo ko sayo. Ang bike rack ng kotse mo at ang bike stand. Potek, nasan na ang G Shock ko? Hahaha naalala ko lang bigla. Pero sana matuloy na tayong pumadyak muli, pwede na ko ulit!


Madami ka pang role pero ito ang major na pwede kong isalaysay dahil sa katunayan, ito na ang pinakamahabang blog na nagawa ko at Taglish pa. Cheers! You are another year older, another year wiser!

Para sa iyo – June Matthew, June, Matthew, Matt, Machu; Salamat sa pagkakaibigan at isang maligayang bati sa iyong kaarawan.





No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.