ANG TULANG WALANG PAMAGAT
Isang panahon sa buhay ko nang ikaw ay dumating
Masasayang sandali aking nadama sa iyong piling
Kay daming alaala na ikaw ay kasama
Ngunit ngayon nga ba ay talagang wala na?
Sa isip at puso ako’y patuloy na umaasa
Na ang pag-ibig natin ay hindi pansamantala
Alam ko sa puso kong ako’y tunay mong minahal
Ngunit ikaw ay nalunod at ika’y nasakal
Aaminin kong ako ay tunay na nagsisisi
Na ako ay nawalay sa iyong pagkandili
Hiling ko sa Diyos na sana ako’y di pa huli
Upang ipadama ang pag-ibig sa araw at gabi
Kung alam mo lamang nasa puso at dibdib
Ito’y pagsintang sadyang kay ribdib
Sarili ay babaguhin kung iyon ang paraan
Upang pagmamahal mo ay muling makamtan
Lahat ng nais mo ay aking gagawin
Sa lahat ng bagay ikaw ay susundin
Ano pa ba ang kailangan kong gawin
Upang ang pag ibig ko ay huwag limutin
Ang hiling mong di pakikipagusap
Ito nga naman ay sadyang kay hirap
Nadarama ko ngayon ay kasiyahang huwad
Sapagkat di ko kalikop ang iyong palad
Ang nais ko lamang sana ay maayos muli
Itong relasyon wag sanang sa paghihiwalay mauwi
Hindi ko kakayanin kung lumisan ka ng tuluyan
Sapagkat ikaw lamang ang nais ng pusong uwian
Ngunit kung ang lahat ay sadyang tapos na
Sabihin na lamang ng ako’y di na umasa
Kahit katumbas nito ay ang pangungulila
Pipilitin kong limutin ka sinta
Kung sadyang paalam ang syang hahantungan
Ako ay may hiling na sa puso mo at isipan
Alalahanin mo lamang masasayang sandali
At laging tandaan na sa puso ko ikaw ay natatangi
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.